Nagsimula na ang dalawang araw na Christmas Coconut Bazaar ng Department of Agriculture at Philippine Coconut Authority.
Iba’t ibang agricultural products mula sa local farmers ang makikita sa bazaar na makikita sa PCA grounds sa Elliptical Road sa Quezon City.
Alas-otso ng umaga nang simulang buksan sa publiko ang Christmas bazaar na tatagal hanggang alas-4 ng hapon.
Umabot sa halos 20 manufacturer ang nakiisa sa aktibidad kung saan kabilang sa coconut products na itinitinda ang coconut cooking oil, coconut shampoo at cream, virgin coconut oil’ coconut vinegar maging ang coconut milk at juice.
Bukod sa coconut food, ibinebenta din sa publiko ang mga non-coconut products gaya ng prutas at gulay, bigas, itlog; dried at marinated fish, chicken products, at handy crafts na nagmula sa mga lalawigan ng Laguna, Davao del Sur, Pangasinan’ at Quezon Province.
Magtatapos ang dalawang araw na bazaar bukas, Disyembre 14, alas-4 ng hapon. | ulat ni Rey Ferrer