Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang P2.43 bilyong irrigation project sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang ground breaking ceremony sa Small Reservoir Irrigation Project (SRIP), sa Barangay Bayabas sa nasabing bayan.
Kasabay nito, pinasinayaan din ng DA ang P1.28 bilyong Balbalungao SRIP sa Lupao, Nueva Ecija, at ang pag-turn over sa Subic ng unang batch ng heavy equipment na binili ng National Irrigation Administration.
Sakop ng Balbalungao SRIP ang 976.2 ektarya at makikinabang ang 560 magsasaka.
Ang turnover sa Subic ay bahagi ng tatlong taon, P2.59-bilyong re-fleeting program ng National Irrigation Administration (NIA).
Samantala, ang Bayabas SRIP ng NIA ay magpapatubig sa 150 ektarya ng mga bagong lugar at 27,828 ektarya sa 17 bayan sa Bulacan at Pampanga. | ulat ni Rey Ferrer