Kinilala ni Speaker Martin Romualdez ang ginawang pagtalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa food security sa kaniyang intervention sa unang sesyon ng ASEAN-Japan Commemorative Summit.
Aniya, ipinapakita lamang nito na nakatuon at prayoridad ng pamahalaan ang kapakanan ng mga Pilipino.
“President Marcos’ proactive approach at the ASEAN-Japan Summit demonstrates his unwavering dedication to the Filipino people. By working together with our friends and allies we can build a food-secure future where Filipino families thrive and our nation enjoys continued growth and prosperity,” sabi ni Romualdez.
Tiinukoy ni Romualdez na bahagi ng intervention ng Pangulo ang pagpapahusay sa isang matatag at pangmatagalang food system gamit ang makabagong teknolohiya gayundin ang pagkilala sa malaking tulong ng Japan sa pamamagitan ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve at ASEAN-JICA Food Value Chain Development Project.
Punto ng House leader, ang pagkakaroon ng emergency rice reserve at collaborative food development projects ay magsisilbing safeguards mula sa food shortages at price fluctuations na direktang nakaka-apekto sa mga Pilipino.
“Investing in sustainable agricultural practices opens doors for job creation and economic growth in rural communities, strengthening livelihoods and improving the quality of life of our citizens,” ani Romualdez.
Pagsiguro naman ng House Speaker na patuloy na susuportahan ng Kamara ang mga inisyatiba at hakbang ng Presidente sa pagkamit ng food security. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
📸: PCO