Posibleng walang maitalang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ngayong linggong ito.
Ayon sa oil industry source, posibleng maging kapareho lamang ang presyo nitong nagdaang linggo.
Ngunit inaasahan naman sa mga susunod na oras ang magiging pinal sa presyo nito na ilalabas ng mga kumpanya ng langis.
Ang oil price increase ay bungsod pa rin ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado. | ulat ni AJ Ignacio