Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Japan sa pagkondena sa muling pagpapakawala ng North Korea ng intercontinental ballistic missile na umano’y bumagsak sa karagatang sakop ng Japan.
Ang pahayag ay ginawa ni Pangulong Marcos Jr. sa pagpupulong ng mga lider ng Asia Zero Emission Community (AZEC) na ginanap sa Prime Minister’s Office sa Tokyo, Japan bilang bahagi ng ASEAN-Japan Commemorative Summit.
Sinabi ng Pangulo na ang mapanganib at ‘provocative actions’ ng NoKor ay nagsisilbing banta at tila nagpapahina sa rehiyon at sa buong mundo.
Matatandaang iniulat na nagpakawala umano ng long-range ballistic missile ang North Korea at sinasabing bumagsak ito sa karagatang sakop ng Japan, partikular sa Hokkaido. | ulat ni Alvin Baltazar