Ginawaran ng Chief of Staff AFP Commendation Medal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Brunei Darussalam Defense Attache to the Philippines Lieutenant Colonel Amilin Bin Haji Mohd Gani Haji Junit.
Ang parangal ay ipinagkaloob sa pamamagitan ni AFP Vice Chief of Staff, Lieutenant General Arthur Cordura.
Ito ay sa isinagawang exit call ng Defense Attaché sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo ngayong araw.
Ipinaaabot ni Lt Gen. Cordura ang pasasalamat ng AFP sa Defense Attaché ng Brunei para sa kanyang mahusay na pag-coordinate ng relasyong militar ng Brunei at Pilipinas.
Kabilang dito ang pangangasiwa sa high-level visits, subject matter expert exchanges, at iba pang training engagements sa pagitan ng dalawang bansa. | ulat ni Leo Sarne