Dumating na kaninang umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng Philippine Air Lines Flight 659 ang Pilipinong nabighag ng grupong Hamas na si Jimmy Pacheco.
Sinalubong naman ito nina Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, Department of Migrant Workers (DMW) Officer in Charge (OIC) Undersecretary Hans Leo Cacdac at ni OWWA Adminismistrator Arnel Ignacio.
Sinalubong naman si Pacheco ng mahigpit na yakap ng mga anak nito kasama ang kanyang asawa at lola.
Nauna nang ipinangako ng bansang Israel na makatatangap ito ng tulong pinansyal mula sa kanilang bansa gayundin mula sa DMW at OWWA. | ulat ni AJ Ignacio