Nakatakdang magsagawa ng holiday festivities ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente ng lahat ng managed centers at residential care facilities nito.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, gagawin ito sa Araw ng Pasko, sa Disyembre 25 at Bagong Taon Enero 1.
Layon ng aktibidad na ibahagi ang diwa ng pagiging bukas-palad at mahabagin na paglilingkod ngayong Season of Giving.
Bago ang actual day ng kasiyahan, lahat ng staff at residente ng center ay sasalo sa tradisyonal na Noche Buena sa Disyembre 24 at Media Noche sa Disyembre 31.
Nauna nang nagsagawa ng gift giving session ng mga kinauukulang Field Office ng DSWD sa mga kliyente nito sa non-residential care facilities noong Disyembre 17.
Sa ngayon, may 69 na residential care facility ang DSWD na may mahigit 5,000 kliyente, at pitong non-residential care facility na may higit sa 800 kliyente sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer