Namahagi ang Philippine Red Cross (PRC) ng hot meals sa mga stranded na pasahero sa iba’t ibang pantalan sa Luzon at Visayas matapos na makansela ang biyahe dahil sa epekto ng bagyong #KabayanPH.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, nagpadala ang PRC ng volunteers at food trucks sa mga pantalan upang tumulong at mamahagi ng pagkain.
Kaugnay nito ay nagbigay ng tulong ang PRC sa 46 na mga stranded na pasahero sa Ubay Port sa Bohol at nagtayo rin ng PRC welfare desk sa Surigao Del Sur upang magbigay ng psychosocial assistance sa mga apektadong indibidwal.
Daan-daang mga stranded na pasahero naman ang nakatanggap ng hot meals sa Manila at Surigao Del Sur.
Nagpasalamat naman si Gordon sa mga volunteer at staff ng PRC na laging handang magbigay ng tulong sa oras ng sakuna at kalamidad.| ulat ni Diane Lear