Bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19, manageable pa – DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpaalala si health secretary Teodoro Herbosa sa publiko na gumawa ng mga hakbang para protektahan ang sarili sa gitna ng bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases at mga respiratory illnesses sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Health ngayong araw, sinabi ni Herbosa na kabilang sa mga pag-iingat na ito ang pagsusuot ng face mask at pagsunod pa rin sa minimum public health standards lalo na sa gitna ng mga party at salu-salo ngayong holiday season.

Samantala, sa kabila ng pagtaas ng kaso ng influenza-like illnesses ay sinabi ng health department na wala pang lokal na pamahalaan ang nagdedeklara ng outbreak nito ngayon sa bansa.

Pinahayag naman ni Herbosa na nadagdagan man ang mga kaso ay hindi tayo dapat mag concentrate sa mga numero.

Ang dapat aniyang tinitingnan ay kung tumataas ang trend kumpara noong nakaraang taon.

Sa ngayon, ayon sa kalihim, ay normal at endemic pa ang pagtaas ng kaso ng respiratory illnesses.

Habang ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay kaya pang pangasiwaan.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us