Muling Ibinalik ng Department of Labor and Employment ang antigen test sa mga taong magtutungo sa kanilang Central Office.
Ang naturang kautusan ay inanunsyo ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma matapos iulat ng Department of Health ang pagsirit ng mga nahahawaan ng virus.
Ayon sa Kalihim, sa Punong Tanggapan lamang ipatutupad ang antigen test at hindi sa lahat ng Regional Offices at attached agencies nito.
Katunayan, sa Year-End Thanksgiving Lunch sa media kanina, sumalang sa antigen test ang mga media na dumalo.
Dahil sa isinagawang antigen test, dalawang media practitioners ang nagpositibo sa virus at sila ay pinayuhan na mag-isolate.
Dahil sa pagdami ng mga tinatamaan ng virus, hinikayat ng DOLE ang mga pribadong kumpanya na boluntayong magsagawa ng antigen test sa kanilang mga manggagawa para mapangalagaan ang kalusugan ng mga ito. | ulat ni Mike Rogas