Dalawang rehiyon na lamang ang hindi nakakatanggap ng minimum wage increase ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, 12 rehiyon na ang naaprubahan ang minimum wage ng mga manggagawa.
Ang mga rehiyon na wala pang umento sa arawang sweldo ng mga manggagawa ay ang Region 10 at Region 11.
Pero simula January 1, 2024, ipatutupad na ang dagdag sweldo sa Region 10 habang ang Region 11 ay maaaring sa Pebrero pa ng susunod na taon.
Tinitiyak ng DOLE, na pinag-aaralan ng National Wage and Productivity Board ang lahat ng aplikasyon ng dagdag sweldo para mabigyan ng maayos na benepisyo anv mga manggagawa. | ulat ni Michael Rogas