Nagpalabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa isasagawang road repair at reblocking sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon sa MMDA, magsisimula ang road repair works ganap na alas-11 ng gabi ngayong Biyernes, Marso 31 na tatagal naman hanggang ala-5 ng umaga ng Lunes, Abril 3.
Kabilang sa mga isasailalim sa pagkukumpuni ang truck lane sa C-5 Road southbound sa pagitan ng Lanuza Ave. at Green Valley Footbridge, Brgy. Ugong, Pasig City.
Ang 3rd lane mula sa island ng C-5 Road paglagpas ng Elevated U-turn Slot sa Pasig City, EDSA southbound mula Estrella St. hanggang sa malapit sa Ayala Ave. sa Makati City, inner most lane ng EDSA northbound malapit sa MRT Buendia Station sa Makati City.
Outer lane o unang linya mula sa bangketa ng EDSA southbound sa harap ng Uni Oil at bago sumapit ng Bansalangin St. gayundin sa EDSA southbound bago dumating ng Dario Bridge at harap ng Lemon Square Bldg. sa Quezon City.
Inner lane o unang lane mula sa plant box ng Luzon Ave. northbound flyover patungong Congressional Ave. Ext. gayundin sa ika-4 na lane mula sa gitna sa Commonwealth Avenue westbound mula Doña Carmen St. patungong Odigal St.at kanto ng Riverside St. sa Quezon City.
Sa 2nd lane mula sa island ng EDSA northbound mula sa Mahal Kita Hotel patungong Taft Ave. sa Pasay City gayundin sa panulukan ng A. Bonifacio Ave. southbound at Sgt. Rivera sa Quezon City.
Ang 1st at 2nd lane ng C-5 Service Road southbound mula Bagong Ilog hanggang bago dumating sa stop light patungong Pasig Blvd. Ext.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na planuhing maigi ang kanilang biyahe at humanap ng alternatibong ruta upang hindi maabala sa kanilang paglalakbay. | ulat ni Jaymark Dagala