Hinihintay pa ng Philippine National Police (PNP) ang rekomendasyon ng mga regional directors kung ipatutupad ang muzzle taping sa mga baril ng pulis kasabay ng pagdiriwang sa pagpapalit ng taon.
Ayon kay PNP Public Information office Chief Colonel Jean Fajardo, bukod sa baril, maaari naman aniyang gamitin ng mga pulis ang non-lethal approach sa pagresponde sa mga di-inaasahang insidente ngayong pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Ito ang paggamit nila ng pito at retractable baton stick.
Maaalalang noong nakaraang taon, ipinag-utos ni dating PNP Chief General Rodolfo Azurin ang hindi pagseselyo sa mga baril ng mga pulis o muzzle taping, na taliwas sa nakagawian sa mga nagdaang taon.
Muli namang ipinapaalala ni Col. Fajardo, na bawal sa mga pulis ang magpaputok ng baril sa mga selebrasyon at nagbabala na mahaharap sila sa kaukulang parusa. | ulat ni Leo Sarne