Nakumpleto na ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT line 1 ang test run sa kanilang mga train set unit.
Ito’y bilang paghahanda sa napipintong pagbubukas ng Phase 1 ng LRT 1 Cavite Extension Project mula sa Redemptorist Station hanggang Dr. Santos Station sa Parañaque City.
Ayon sa LRMC, layon nito na matiyak ang integridad ng kanilang overhead catenary system, compatibility ng gulong ng mga tren sa riles at ang allowance ng mga tren sa platform.
Unang sumubok sa riles ang 2nd G=generation ng mga tren sa bilis na 4.5 kilometers per hour bilang bahagi ng safety precaution.
Ayon sa LRMC, plano pa nilang magsagawa ng karagdagang test run sa mga susunod na linggo kabilang na ang iba pang train set generation nito. | ulat ni Jaymark Dagala