Nag-deploy ang PNP ng mga ‘plain clothes policemen’ sa mga matataong lugar ngayong panahon ng Pasko.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ito’y para mapangalagaan ang seguridad sa ‘places of convergence’ tulad ng mga terminal, tiangge at night market.
Dagdag ni Fajardo, pangontra din ito sa kriminalidad, dahil aniya sa mga ganitong panahon ay laganap ang modus tulad ng salisi at budol-budol at iba pang street crimes.
Kaugnay nito, naabisuhan na ang mga field commander sa adjustment ng oras ng deployment ng kanilang tauhan at pagdaragdag ng manuever forces kung kinakailangan para matiyak ang payapa at ligtas na pagsalubong ng Pasko hanggang sa Bagong Taon. | ulat ni Leo Sarne