Hindi pa lubusang ramdam ngayong umaga ang buhos ng mga motoristang bumibyahe palabas ng Metro Manila para sa holiday season.
Batay sa monitoring ng NLEX-SCTEX (North Luzon Expressway – Subic-Clark-Tarlac Expressway), as of 6am ay normal pa ang daloy ng mga sasakyan sa NLEX partikular sa RFID lanes.
Bagamat may 100 metrong pila lang ng mga sasakyan sa Balintawak toll plaza at 50 metro naman sa Bocaue Toll Plaza.
Light traffic din ang umiiral sa Mindanao Toll Plaza, San Fernando Northbound at southbound, at iba pang toll plazas at interchange.
Inaasahan naman ng pamunuan ng NLEX na simula mamayang hapon pa bibigat ang trapiko sa expressway hanggang sa gabi ng December 23.
Gaya ng nakagawian, handa ang pamunuan ng NLEX na nagdeploy na ng karagdagabg 1,500 patrol crews, traffic marshals, security teams, toll at system personnel sa buong expressway.
Mayroon ding libreng towing service ang NLEX para sa Class 1 vehicles simula ngayong araw
December 22 (6AM) hanggang Dec. 24 (6AM), Dec. 26 (6AM) hanggang December 27 (6AM), at Dec. 30 (6AM) hanggang January 2 (6AM). | ulat ni Merry Ann Bastasa