Nananatiling positibo sa “red tide toxin” ang lima pang baybayin sa bansa.
Sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), umiiral pa rin ang “shellfish ban” sa mga karagatan ng Pontevedra sa Capiz; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Lianga Bay sa Surigao del Sur; at coastal waters ng San Benito del Norte.
Dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) ay pinagiingat ng BFAR ang publilp sa pagkain ng shellfish na nakukuha sa mga naturang katubigan, dahil mapanganib ito sa kalusugan.
Paalala ng BFAR, ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti. | ulat ni Merry Ann Bastasa