Inalerto ni Pasig Mayor Vico Sotto ang kanyang mga nasasakupan patungkol sa naglipanang scam.
Ito’y matapos nilang madiskubre na sangkot sa hindi awtorisadong pagpapautang ang clothing company na BNY na aniya’y isang registered wholesaler.
Sa isang vlog, inisa-isa ni Mayor Sotto ang mga palatandaan na dapat tingnan kung scam ang isang negosyo.
Una, may pangako ng malaking kita na “too good to be true” at wala kang gagawin kundi mag-recruit ng miyembro at ikalawa, walang produkto o walang serbisyo na iniaalok sa mga biktima bukod sa pagpapaikot ng pera.
Magugunitang inulan ng kaliwa’t kanang reklamo ang Pasig City Police Office kamakailan dahil sa mga nabiktima umano ng naturang scam.
Naglagak kasi sila ng malaking pera bilang puhunan pero wala naman nang pera na bumalik sa kanilang kita. | ulat ni Jaymark Dagala