Nagpaabot ng kaniyang pagbati ng Maligayang Pasko si Vice President Sara Duterte para sa lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ngayong araw ng Pasko.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, nagpapasalamat ang sambayanang PIlipino sa mga OFW na tinaguriang mga bagong bayani ng bayan sa kanilang sakripisyo at pagmamahal sa kanilang pamilya at sa bayan.
Kinilala rin ni VP Sara ang mga naging ambag ng mga OFW para mapalago ang ekonomiya ng bansa gayundin ang pagiging matatag sa kabila ng hamong mawalay sa pamilya.
Hangad niya na masuklian ang mga paghihirap ng mga OFW ng tagumpay mula sa kanilang mga mahal sa buhay upang maitaguyod ang mga ito. | ulat ni Jaymark Dagala