Pinuri ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa napapanahon nitong paglagda sa 2024 national budget.
Ani Co, ito ang pinakamagandang Pamasko para sa mga Pilipino lalo at nakapaloob sa pambansang pondo ang bagong programa na tutulong sa may 12 milyong kapos na pamilyang Pilipino.
Kasama kasi sa pinondohan ang AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita Program, kung saan bibigyan ng one-time financial aid ang mga Filipino household na near poor o kumikita ng hindi lalagpas sa P23,000 kada buwan.
“This year’s budget is a true budget centered on the 70 percent Filipinos who are near-poor. We also have anti-inflationary measures regarding rice that would benefit farmers and all the Filipinos that would get cheap rice.” sabi ni Co.
Dahil naman dito, umaasa si Co na makakolekta ng malaki ang pamahalaan at magkaroon ng excess revenues na siyang gagamitin pampondo sa mga ;unprogrammed funds’ gaya ng mga pang-ayuda sa mga mahihirap na Pilipino.
Sa 2024 budget aabot sa higit P500 billion ang pondo para sa social services program ng pamahalaan.
“If there are excess revenues, the unprogrammed funds would directly benefit our near-poor Filipino countrymen. Unprogrammed funds are not new and let’s hope and pray that we have excess revenues so that we can provide more ayuda to our Filipino brothers. It’s for social services balance from programmed, AKAP, AICS, free medical assistance, 4PH housing, legacy on specialty hospitals and some loan payments, etc. I don’t exactly memorize but for me that should be prioritized when there are excess available funds.” sabi pa ni Co. | ulat ni Kathleen Jean Forbes