P1.7-M na halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa Roxas City, Capiz

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang operasyon ng Police Regional Office 6 laban sa iligal na droga.

Sa Brgy. Tiza, Roxas City, Capiz, nasa P1.7-million na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Special Drug Enforcement Team ng Roxas City Police Station sa ikinasang buy-bust operation.

Arestado sa operasyon si Richard Ferrer, 38 taong gulang at residente ng nasabi barangay.

Nasa 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7-million, buy-bust money at iba pang drug items ang nakumpiska kay Ferrer.

Sa monitoring ng Roxas City SDET, high value target si Ferrer.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

Pinuri naman ni PRO6 Director P/BGen. Leo Francisco ang operating units sa matagumpay na operasyon.

Ipinag-utos naman ng opisyal na paigtingin pa rin ang laban sa iligal na droga sa Western Visayas. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us