Mga debotong Kristiyano, dagsa na sa Baclaran Church para sa Linggo ng Palaspas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Unti-unti nang dumaragsa ang mga deboto ni Mother of Perpetual Help sa Baclaran Chruch ngayong umaga para sa Linggo ng Palaspas na hudyat ng pag-uumpisa ng Mahal na Araw.

Halos nasa labas na ng simbahan ang mga debotong nais magsimba at magpabasbas ng kani-kanilang mga palaspas.

Samantala, naglalaro sa P20 hanggang P40 ang presyo ng mga palaspas at ito’y naka-depende sa disensyo ng palaspas.

Patuloy naman ang pagpapatrolya ng Philippine National Police (PNP) sa palibot ng simbahan upang matiyak ang seguridad ng ating mga kababayan tutungo sa Baclaran Church.

Nagpaalala naman ang pamunuan ng Baclaran Church sa mga nasa loob ng simbahan na pag-ingatan ang kani-kanilang mga gamit upang makaiwas sa mga masasamang loob. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us