Ilang pasahero, maaga nang lumuwas pauwi ng probinsya ngayong Lunes Santo

Facebook
Twitter
LinkedIn

May pangilan-ngilan nang lumuluwas pauwi ng probinsya ngayong Lunes Santo.

Sa terminal ng Victory Liner sa Kamias, Quezon City, ilan sa mga pasahero ang maaga nang bumiyahe at hindi na hinintay pa ang holiday exodus.

Kabilang dito sina Nanay Lea at Brenda na kapwa biyaheng Tuguegarao na ayaw aniyang makipagsiksikan sa mga pasahero lalo’t marami silang bitbit na mga gamit.

May ilang pasahero rin ang nag-leave na para masulit ang kanilang bakasyon.

Ngayong araw, marami-rami pa ang bakanteng byahe sa naturang terminal para sa mga luluwas pa-Nueva Vizcaya, Isabela, at Cagayan.

Fully booked naman na ang biyahe sa April 4 ng gabi, buong araw ng April 5, at April 6 ng umaga.

Kaugnay nito, inaasahang may mga karagdagang bus pa ring bibiyahe sa mga susunod na araw para sa chance passengers.

Bilang bahagi naman ng Oplan Ligtas Sumvac ay mayroon ring mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang naka-deploy sa labas ng terminal para masiguro ang ligtas na pagbiyahe ng publiko. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us