Isang sasakyan, inararo ang ilang concrete barriers ng EDSA Busway sa EDSA-Boni, Mandaluyong City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumuwag na ang daloy ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA-Boni Southbound Lane sa Mandaluyong City ngayong hapon.

Ito matapos na maialis na ang pulang Toyota Innova na inararo ang ilang concrete barriers sa EDSA Busway.

Pumutok kasi ang dalawang gulong sa kaliwang bahagi ng sasakyan kaya naman pinili ng driver na ibangga na lang ito sa mga barrier.

Wala namang ibang nadamay sa naturang aksidente at nasa maayos na kalagayan ang driver.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas sa driver ng sasakyan, papunta sana sila sa opisina nito sa Magallanes at galing sa isang mall sa Quezon Avenue nang mangyari ang insidente pasado ala-1 ng hapon.

Dinala na sa Mandaluyong Traffic ang sasakyan at ang driver para sa imbestigasyon at naiayos na rin ang mga nabanggang barikada sa EDSA Busway kaya’t nakadadaan na ang mga bus. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us