Pinayuhan ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge, PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia ang mga pulis na samantalahin ang panahon ng Semana Santa para mapalapit sa Diyos.
Sa kanyang mensahe sa flag raising ceremony ngayong umaga sinabi ni Gen. Sermonia na maipapakita ng mga pulis ang kanilang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng maayos na paglilingkod.
Dapat aniyang isapuso ng mga pulis ang propesyonalismo sa pagpapakita ng best police service, at pag-iwas sa masasamang gawain tulad ng extortion at hulidap.
Babala ni Sermonia, hindi mangingimi ang PNP na ipagharap sa dimissal ang mga pulis na masasangkot sa iligal na aktibidad.
Si Sermonia ang OIC ng PNP habang nasa biyahe si PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. | ulat ni Leo Sarne