Disaster, Emergency Offices ng Valenzuela City, mananatiling bukas sa Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na mananatiling bukas sa publiko ang ilang mahahalagang tanggapan nito sa panahon ng Semana Santa.

Sa inilabas na advisory ng LGU, hindi nito isasara ang operasyon ng disaster, emergency at COVID -19 response offices.

Bilang pagtalima sa paparating na regular holidays, ang pamahalaang lungsod ay magpapatupad ng half-day work schedule sa Abril 5, Miyerkules Santo.

Ang lahat ng tanggapan maliban sa mga nabanggit ay isasara sa Abril 6, 7, at 10 bilang paggunita sa Mahal na Araw at Araw ng Kagitingan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us