Simula kahapon Enero 8, ipinagbawal na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga manok at iba pang produkto nito mula sa Belgium at France.
Batay sa ulat ng DA, apektado ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) ang mga manok kabilang ang wild birds sa nasabing mga bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ipinatupad ang import ban upang maiwasan ang posibleng pagpasok ng HPAI-H5N1 sa Pilipinas.
Kabilang sa mga ipinagbabawal ang poultry meat, day-old chicks, hatching egg, at poultry semen sa Pilipinas.
Samantala ang meat imports na nasa transit na bago ang ban ay papayagan pa ring makapasok sa bansa, kung ang mga manok ay kinatay o ang mga produkto ay ginawa noon o bago ang Nobyembre 12, 2023 para sa France, at Nobyembre 16, 2023 para sa Belgium. | ulat ni Rey Ferrer