Dinayo ng “LAB for ALL Caravan” ang mga residente sa Lucena City sa Quezon Province para maghatid ng tulong mula sa gobyerno.
Mismong si Unang Ginang Liza Araneta Marcos, kasama si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at iba pang opisyal ang nanguna sa pamamahagi ng tulong sa mga kapus-palad.
Ang LAB for ALL o Laboratory, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat Project ay proyekto ni Unang Ginang Liza Marcos.
Kasama sa caravan sina Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta, Quezon Governor Angelina Tan, DOH Secretary Teodoro Herbosa, at TESDA Director General Suharto Mangudadatu.
Ang proyekto ay isa sa mga inisyatiba ng Unang Ginang para gumawa ng essential health care services tulad ng libreng konsultasyon, health screening at assessment, laboratory test, at mga gamot na mas accessible sa mga ordinaryong Pilipino. | ulat ni Rey Ferrer