Hinikayat ni Manila 3rd District Representative Joel Chua ang bawat isa na bigyang halaga ang natatanging papel ng Quiapo sa mayamang kultura at pananampalataya ng bansa.
Ito ay kasabay ng paggunita sa Pista ng Itim na Nazareno ngayong taon.
Para kay Chua, ang Quiapo ay isang komunidad ng magkakaibang paniniwala na mayaman sa kultura at nagsisilbing social barometer ng lipunan.
Kaya naman aniya taon-taon ay bumibida at nakatutok ang lahat sa Traslacion at Pista ng Itim na Nazareno.
Para naman maipagpatuloy at mapangalagaan ang tradisyong ito ay muling ipinanawagan ni Chua na dapat nang maging UNESCO heritage site ang Quiapo.
Apela rin nito, na buhusan ng pondo ang preserbasyon at restorasyon ng mga historical infrastructure sa palibot ng Quiapo kabilang na ang San Sebastian Church.
“I envision and seek the transformation of Quiapo into a livable, walkable, bustling, and safe interfaith residential and commercial district teeming with responsible residents and entrepreneurs.” sabi ni Chua | ulat ni Kathleen Forbes
Photo: Quiapo Church FB page