Aabot sa 173 displaced public utility drivers at operators sa Quezon City ang naging benepisyaryo ng EnTSUPERneur program, na proyekto ng Department of Transportation at Department of Labor and Employment.
Kaisa ang Quezon City Local Government sa pamamahagi ng livelihood package sa mga piling tsuper at operator ngayong araw.
Ayon sa QC LGU, nais matugunan ng programa ang mga pangangailangan ng PUV drivers at operators na apektado ng PUV Modernization Program ng national government.
Binigyan ng mga supply at starter kit ang mga benepisyaryo para sa alin mang mapili nilang pangkabuhayan tulad ng bigasan, Nego-Kart, carwash package, o karinderya.
Bukod dito, bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng halagang P30,000.
Kasama ni Mayor Joy Belmonte sa pamamahagi ng mga pangkabuhayan package sina DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, at Land Transportation Franchising and Regulatory Board NCR Director Zona Russet Tamayo. | ulat ni Rey Ferrer