Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan City ng Pangkabuhayan Package sa mga Pesons Who Use Drugs (PWUDs).
Ito ay ang bahagi ng intervention program ng City Anti-Drug Abuse Council upang matulungan at mabigyan ng oportunidad ang mga PWUD.
Nasa 420 na mga PWUD ang nabigyan ng livelihood package, kabilang sa ipinamahagi ang isang sako ng bigas, hygiene kits, itlog, delata, kape, at iba pang grocery items.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ang mga nasabing benepisyaryo ay mga nakapagtapos o kasalukuyan naka-enroll na sa drug rehabilitation program ng lungsod.
Layon aniya ng pamamahagi ng Pangkabuhayan Package na mabigyan ng maliit na negosyo ang mga benepisyaro upang sila ay makabalik nang maayos sa lipunan.
Tiniyak naman ng San Juan LGU na patuloy na tutulungan at susuportahan ang mga PWUD sa lungsod upang sila ay tuluyan nang makapag-bagong buhay.| ulat ni Diane Lear