Maagang pinauwi ngayong hapon ang mga empleyado ng Senado.
Sa ipinalabas na advisory ni Senate Secretary Renato Bantug, nakasaad na iniutos ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hanggang kaninang lang alas-2:00 ng hapon ang pasok ng Senate employees.
Sa kabila nito, ang mga may committee hearing, technical working group at iba pang mga meeting ay maaaring magpatuloy at ang mga nakatalagang staff ay maaaring mag-assist sa kanila maliban na lang kung pauuwiin na rin sila ng committee chairman.
Hindi naman kasama sa maagang pinauwi ang mga tauhan ng Senate Sargeant at Arms at Maintenance and General Services Bureau dahil may shifting schedule ang mga ito.
Pinauwi ng maaga ang mga empleyado ng Senado para maiwasang mahirapang makauwi o maipit sa trapiko dahil sa isinasagawang Traslacion ng Itim na Nazareno. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion