Nasa 500 magsasaka na puno ng dedikasyon sa South Cotabato ang nakatanggap ng kanilang labis na kinakailangang financial assistance na nagkahalaga ng tig P7,800.00 mula sa TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Inirekomenda ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) sa Public Employment Service Office (PESO) ang listahan ng mga magsasaka na tulungan dahil sa epekto ng mild El Niño phenomenon.
Sa distribution activity na ginawa ng RDCN, OPAG at ng Provincial Information Office naipamahagi rin ang mga leaflets o babasahin hinggil sa mitigating measures sa panahon ng El Niño.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao