Presyo ng gulay sa Mega Q-Mart, nananatiling mababa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mababa pa rin ang bentahan ng gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila gaya na lang sa Mega Q-Mart sa Quezon City.

Kabilang sa murang mabibili rito ang kamatis na tumpok-tumpok ang suplay sa palengke. Ibinebenta ito sa halagang ₱25 ang kada kilo.

Mura na rin ang presyo ng lokal na sibuyas na nasa ₱90 na lang ang kada kilo para sa pulang sibuyas, ₱120 naman ang kada kilo ng puting sibuyas.

Ayon kay Mang Jay, tindero ng gulay, ang calamansi lang ang mataas ang presyo ngayon sa halagang ₱120 ang kada kilo.

Mura rin ang mga gulay na sangkap sa pinakbet at maging sa chopsuey:

Talong – ₱50 kada kilo
Siling panigang – ₱50 kada kilo
Ampalaya – ₱80 kada kilo
Kalabasa – ₱30 kada kilo
Toge – ₱35 kada kilo
Patatas – ₱70 kada kilo
Repolyo – ₱50 kasa kilo
Carrots – ₱50 kada kilo
Cauliflower – ₱60 kada kilo
Brocolli- ₱120 kada kilo

Una na ring sinabi ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Kristine Evangelista na marami ang suplay ng gulay ngayon at wala ring problema sa logistics kaya hindi nagtataas ang presyo ng gulay sa mga pamilihan.

Samantala, inaalam na rin ng DA ang mga napaulat na nasisirang pananim na carrots at bagsak presyong bentahan ng kamatis sa ilang rehiyon.

Makikipag-ugnayan na rin aniya ang DA sa kanilang field offices para matulungan ang mga magsasaka na madala ang kanilang mga produkto sa trading posts o Kadiwa stores.

Hihikayatin din aniya ng DA ang mga kooperatiba na bumili ng kanilang suplay sa mga magsasaka. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us