Kinumpirma ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nasibak na sa serbisyo ang kontrobersyal na pulis opisyal na si PLt. Col. Mark Julio Abong.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, inanunsyo ni Gen. Acorda na pinirmahan niya ang dismissal order ni Abong noong Disyembre 18.
Si Abong ay naging kontrobersyal matapos mag-amok at magpaputok ng baril sa isang bar sa Quezon city noong isang taon.
Nasangkot din ang pulis sa insidente ng hit and run noong 2022 na ikinasawi ng isang tricycle driver at ikinasugat ng iba pa na tinangkang pagtakpan.
Dahil sa dismissal, forfeited ang lahat ng benepisyo ni Abong sa PNP. | ulat ni Leo Sarne