Siniguro ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na handa ang pamahalaan sa protesta ng transport group bukas (January 16), laban pa rin sa PUV Modernization sakaling kakailanganing mag-deploy ng mga libreng sakay.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni MMDA Chair Romando Artez, na alas-5 pa lamang ng umaga bukas, nakatutok na sila sa sitwasyon sa mga lugar na pagdarausan ng kilos-protesta.
“Kami naman ay nakikipag-ugnayan doon sa mga hindi sasama sa protesta, dahil mas importante iyon para malaman namin kung ano iyong posibleng mga ruta na maaapektuhan, kung saan pine-preposition natin iyong atin pong augmentation.” —Chair Artez.
Una na rin aniya silang nakipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan na pagdarausan ng pagkilos.
“We understand that it’s not a tigil-pasada but merely a protest by the two transport groups. But just the same, we are ready to respond. We will monitor the situation as early as 5 AM tomorrow. And in case there is a disruption in the public transportation system, we will augment; we are ready. We already notified the various LGUs to be prepared. And the MMDA itself is preparing for any eventuality tomorrow.” — Chair Artez.
Kabilang sa mga lugar na pagdarausan ng pagtitipon ng mga tsuper at operator ay sa UP, Diliman, at Mendiola.
Paglilinaw ng opisyal, naka-preposisyon lamang muna ang mga libreng sakay, at hindi nila agad-agad ide-deploy ang mga ito, upang masiguro na hindi maaapektuhan ang pamamasada o kita ng mga hindi sasali sa pagkilos.
“Hindi natin, indiscriminately dini-dispatch iyong mga libreng sakay, dahil makakaagaw ito noong mga hindi sumasama sa protesta or sa tigil-pasada. Na kung gagawin natin iyon, mawawalan sila ng kita. So kaya itong mga sasakyan na ito ay pine-preposition lamang natin, kung saan maaaring magkaroon ng disruption sa public transport.” — Chair Artez. | ulat ni Racquel Bayan