Iniulat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na bumaba ng 37 porsyento ang index at focus crimes mula January 1 hanggang January 11 ng taong kasalukuyan kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Gen. Acorda na 765 insidente ng index crimes ang iniulat sa unang 11 araw ng taon, na mababa ng 37.19 na porsyento sa 1,218 insidente na iniulat sa parehong panahon noong 2023.
Ang index crimes ay mga crimes against persons at crimes against property.
Habang 37.32 porsyento naman ang ibinaba ng focus crimes sa 759 insidente sa unang 11 araw ng taong kasalukuyan, kumpara sa 1,211 insidente sa loob parehong panahon noong nakaraang taon.
Ang focus crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft, at motorcycle theft. | ulat ni Leo Sarne