Nasa labing walong mga pamilya mula sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur ang benepisyaryo ng libreng koryente.
Sa ginanap na Camarines Sur Electric Cooperative (CASURECO 1) Switch-On Ceremony sa bahagi ng barangay Salvacion, sinabi ni Libmanan Mayor Jes Camara na ang pagbibigay ng libreng koryente sa labing walong mga pamilya ay pagpapakita ng kanilang pagnanais na maiangat ang mga buhay nito at maisulong ng ‘inclusivity’.
Umaasa naman si Camara na magsisilbing inspirasyon ang aktibidad na ito sa pagtutulungan ng lahat para sa ikauunlad ng komunidad. | ulat ni Vanessa Nieva | RP1 Naga
Photo: Mayor Jes Camara