Pinagtulungan ng tanggapan ni Speaker Martin Romualdez, Tingog Partylist at Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mabilis na paglalabas ng P35 milyong tulong pinansyal at 17,500 food packs para sa residente ng pitong distrito sa Davao region na apektado pagbaha at landslide.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 45,000 na pamilya ang apektado ng pagbaha at landslides bunsod ng malakas na pag-ulan mula pa noong Martes dulot ng shear line.
“Every moment counts, and we are working tirelessly to ensure that financial aid and essential supplies reach those in need without delay. We understand the gravity of the situation, and our combined efforts aim to alleviate the immediate challenges faced by our fellow Filipinos,” ani Romualdez.
Nakikipag-ugnayan na ang Kamara sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para kagyat na mailabas ang tig-P5 milyon financial assistance sa pitong distrito sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
Kada distrito ay bibigyan din ng 2,500 food packs.
Ang naturamg tulong ay ipapamahagi sa pamamagitan ng mga tanggapan nina Reps. Maria Carmen Zamora (Davao de Oro, 1st District), Alan “Aldu” Dujali (Davao del Norte, 2nd District), Cheeno Miguel Almario (Davao Oriental, 2nd District), Nelson Dayanghirang (Davao Oriental, 1st District), at Ruwel Peter Gonzaga (Davao de Oro, 2nd District).
Kasama rin sa aayudahan ang unang distrito ng Davao del Norte at lone district ng Davao Occidental sa pamamagitan ng tanggapan nina Vice Governors De Carlo “Oyo” Uy at Lorna Bandigan.
Pagtiyak naman nina Tingog Partylist Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre sa mga biktima na ginagawa ng administrasyong Marcos ang lahat para makatugon sa kanilang pangangailangan
“Our hearts go out to the people of the Davao Region facing the aftermath of this natural disaster,” saad ni Rep. Yedda Romualdez.
“Tingog Partylist is committed to working alongside Speaker Romualdez’s office to ensure that our assistance reaches those who need it most,” sabi naman ni Acidre. | ulat ni Kathleen Jean Forbes