AFP, suportado ang desisyon ng Pangulo sa 4 na karagdagang EDCA sites

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang desisyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagtakda ng apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.

Ang mga ito ay ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island sa Palawan.

Sa isang statement, sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar na “strategic” ang mga bagong site para mapalakas ang kakayahan ng AFP na ipagtanggol ang mga mamayan at estado, isulong ang pambansang interes, at mapahusay ang pagresponde sa kalamidad.

Ang EDCA ay makakadagdag din aniya sa imprastraktura ng militar, na kahanay sa modernisasyon ng kanilang kagamitan.

Sinabi ni Aguilar na makikipag-coordinate ang AFP sa kanilang US counterpart para makamit ang mga layuning ito.

Nagpahayag din ng kasiyahan si Aguilar sa commitment ng Estados Unidos na bigyang prioridad ang mga pangangailangan ng mga lokal na komunidad na host ng mga EDCA sites. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us