Umakyat na sa 16 ang bilang ng casualty bunsod ng Davao landslide dahil sa mga pag-ulan dala ng shearline.
Ito ang kinumpirma ng Office of Civil Defense (OCD).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni OCD Spokesperson Edgar Posadas na 12 dito ay mula sa Mount Diwata, dalawa sa Davao City, isa sa Davao Oriental, at isa sa Davao Occidental.
Wala namang naitatalang nawawala.
“Ngayon, we have a total 152,600 plus or 670,000 plus individuals po ito in 388 barangays. At out of the 152,000 families po, 8,590 were accommodated po sa ating mga evacuation center or translating to 32,116 individuals.” —Posadas
Sabi ng opisyal, ang pinsala sa agrikultura bunsod ng shearline ay umabot na sa P82 million at posible pang mabago.
“Damages to houses pa lang po ang mayroon. Mayroon po tayong 20 totally damaged both regions po ito, at saka 142 partially damaged houses, at ito po ay being taken cared of by the concerned municipalities.” —Posadas
Sa kasalukuyan, nasa 11 na aniya ang nagdeklara ng State of Calamity, dahil sa mga pag-ulan at pagbaha, pito dito ay nasa Davao Region, habang apat naman ang nasa CARAGA. | ulat ni Racquel Bayan