Tumaas ang presyo ng well-milled na bigas batay sa monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa unang bahagi ng Enero 2024.
Ayon sa PSA, tumaas sa ₱55.50 sa national level ang kada kilo ng well-milled rice mula January 1 hanggang January 5.
Mas mataas ito sa ₱54.76 kada kilo na average retail price ng well-milled rice noong second phase ng Disyembre ng 2023.
Maging sa unang bahagi ng Disyembre mula a-uno hanggang a-singko, makikitang tumataas na rin ang presyo ng well-milled rice.
Naitala ito noon sa halagang ₱54.34 kada kilo. | ulat ni Merry Ann Bastasa