48 PDLs mula New Bilibid Prisons, nailipat na sa Abuyog Leyte Regional Prison

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nailipat na ang 48 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Abuyog Leyte Regional Prison mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinpula City.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Chief Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang paglilipat ng mga PDL mula sa NBP patungo sa iba’t ibang penal farms sa bansa ay bahagi ng programa ng Bucor para ma-decongest ang mga preso sa NBP, para narin sa paghahanda sa pagsasara ng National Penitentiary sa taong 2028.  

Nagpasalamat din si Catapang sa Philippine National Police at Philippine Coast Guard sa pagbibigay ng suporta sa paglipat ng mga PDL. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us