Libo-libong Katolikong deboto sa lungsod ng Zamboanga, nakiisa sa prusisyon ng Santo Entierro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiisa ang libo-libong mga Zamboangueño sa prusisyon ng Santo Entierro na ginanap sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Zamboanga bilang bahagi ng paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

Tinatayang aabot sa mahigit 12,000 mga deboto base sa datos na nakalap ng kapulisan ang nakilahok sa prusisyon sa Brgy. Tetuan na inorganisa ng Tetuan Parish sa pamumuno ni Fr. Oscarlito Bisnar.

Nakilahok din sa prusisyon sa naturang barangay si Zamboanga City Mayor John Dalipe kasama ang station commander ng Police Station 6 at mga opisyal ng nasabing barangay.

Pinamunuan naman ni Archdiocese Auxiliary Bishop Moises Cuevas ang prusisyon na nagsimula sa Cathedral of the Immaculate Conception (MCIC) sa La Purisima Street sa sentro ng lungsod.

Samantala, pinagtitibay pa rin ng sektor ng seguridad sa pakikiisa ng force multipliers ang mga ipinapatupad na panuntunan at mga hakbang sa Zamboanga City para masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng publiko ngayong Semana Santa. | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us