Bilang bahagi ng selebrasyon ng Philippines Tropical Fabrics Month ngayong Enero, pangungunahan ng Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) ang kauna-unahang National Textile Convention na isasagawa sa bansa.
Sa gaganaping Textile Convention o ‘TELACon,’ inaasahang magtatagpo ang mga expert, researcher, at mga industry professional sa pagtuklas ng textile science at magbibigay daan sa pananaliksik, technological breakthroughs, at pagbabahagi ng sustainable practices at kaalaman para mapaunlad ang textile industry sa bansa.
Nakatakdang ganapin ang TELACon sa Philippine International Convention Center (PICC) mula January 30 hanggang 31.
Para sa mga nais lumahok at iba pang impormasyon patungkol sa TELACon 2024 maaring bumista lamang sa Facebook Page ng PTRI sa https://www.facebook.com/ptri.dost | ulat ni EJ Lazaro