Ipinagdiwang ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang ika-33 anibersaryo sa isang simpleng palatuntunan kasabay ng regular na Flag-raising Ceremony ngayong umaga.
Nagsilbing panauhing pandangal sa okasyon si Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Sec. Bersamin ang pamumuno ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa pagkamit ng malalaking hakbang sa kampanya kontra sa kriminalidad sa pamamagitan ng kanyang 5-focused agenda.
Sinabi ni Bersamin na ipinakita ng PNP ang kanilang determinasyon na ipagkaloob sa mga mamamayan ang katarungan, kapayapaan at seguridad nang naayon sa bisyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa isang Bagong Pilipinas.
Hinimok naman ni Sec. Bersamin ang lahat ng mga pulis na muling pagtibayin ang kanilang “pledge of commitment” sa serbisyo upang mas epektibong pangunahan ang kampanya kontra sa kriminalidad. | ulat ni Leo Sarne