Mariing kinondena ni Deputy Minority Leader at Basilan Representative Mujiv Hataman ang pagpatay sa dating opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sa naganap na shooting incident sa Cotabato City, pinaulanan ng bala ang sasakyan ni Ramil Masukat, dating director ng ARMM Humanitarian and Emergency Assistance Response Team (HEART).
Nanawagan si Hataman sa mga awtoridad na tugisin ang mga killer ni Ramil at mapanagot ang mga criminal at mastermind sa pagpatay.
Ayon sa mambabatas, nakakaalarma ang tumataas na karahasan lalo na sa mga lugar ng Cotabato City at iba pang lugar sa BARMM.
Panawagan ng lawmaker sa awtoridad na doblehin ang pagsisikap na gawing ligtas ang komunidad laban sa anumang klase ng karahasan tulad ng nangyari kay Engineer Ramil.
Nagpaabot din ang Basilan lawmaker ng pakikiramay sa pamilya ni Engineer Ramil. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes