MPD, patuloy ang paglalatag ng mga checkpoint matapos ang Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mananatili pa rin at mahigpit na magbabantay ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa mga itinalagang checkpoints sa lungsod ng Maynila.

Ito’y upang masiguro na walang anumang krimen o hindi inaasahang insidente ang magaganap sa muling pagbabalik ng mga indibidwal na nagbakasyon ngayong Semana Santa.

Bukod dito, nais rin ng pamunuan ng MPD na magabayan ang mga motorista lalo na ang publiko na nais bisitahin ang ilang tourist spot at mga pasyalan sa lungsod lalo na’t walang pasok ngayong araw.

Maging ang mga help desk na itinalaga sa mga terminal ng bus at pantalan ay pinasisiguro ni MPD Dir. Police Brig. Gen. Andre Dizon na palaging mga nakaposteng pulis upang may malapitan ang mga nangangailangan o may mga katanungan.

Patuloy rin ang pagpapatrolya ng ibang tauhan ng MPD para masiguro ang kapayapaan at kaayusan kung saan inaasahan nila na dadagsa ang mga pasahero mamayang hapon hanggang gabi. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us