Inanunsiyo ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila na makakaranas ng ilang oras na power interruption ang ilang lugar sa lungsod sa darating na Linggo, February 4, 2024.
Base ito sa power advisory na ipinadala ng Manila Electric Company (Meralco) dahil sa isasagawang maintenance works o pagpapalit ng mga poste, at pag-install ng dagdag na lightning protection devices sa kahabaan ng M. Adriatico at Leveriza Street sa Malate maynila.
Kabilang sa mga tatamaan ng pagkawala ng suplay ng kuryente na magsisimula ng 8:30 AM hanggang 2:30 PM ay ang Bahagi ng M. H. Del Pilar Street, mula Windy Ridge Hotel Manila hanggang Quirino Avenue (kasama ang Admiral Hotel Manila, Aspire Tower, Baywatch Tower, D Circle Hotel at Armada Hotel Manila).
Bahagi ng Quirino Ave., mula M. H. Del Pilar hanggang M. Adriatico St. (kasama ang Madre Ignacia St. at Leonel Waste Management Compound).
Bahagi ng Madre Ignacia St mula Quirino Avenue (kasama ang FSC Training Center, McDonalds, Malate Catholic School, Altoha Bldg., Victoria Court, Hotel Victoria at Carolina Bldg.).
Bahagi ng M. Adriatico St. mula Quirino Ave (kasama ang Malate Bayview Mansion, Marbella Bldg. hanggang sa kahabaan ng Roxas Blvd.
Bahagi ng M. Adriatico Street mula Quirino Avenue (kasama ang Asuncion St., Rizal Memorial Sports Complex, Manila Zoo, Suntrust Adriatico Gardens Condominium, at Intership Navigation Training Center (ISNTC) Dormitory.
De La Salle University (DLSU) Manila at Mang Inasal sa kahabaan nng Taft Avenue. | ulat ni Michael Rogas